Doble-kayod na ang Philippine Space Agency (PhilSA) para sa inaasahang rocket launch ng Pilipinas na gagawin sa Cagayan.
Sa panayam ng Bangon, Bayang Mahal kay PhilSA Rocket Engineer, Engr. Renzo Wee labis nilang ikinalugod ang natanggap na suporta mula mismo kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., matapos mabanggit ang proyekto ng PhilSA.
Pagdating naman sa usapin ng magiging benepisyo ng bansa sa nasabing rocket launch isa sa pinaka-mahalagang outcome ng nasabing proyekto ay ang promotion ng space ecosystem sa bansa.
Kabilang kasi sa mga praktikal na aplikasyon nito ay ang pagkakaroon ng sariling space data ng bansa sa pamamagitan ng isang satellite upang mas mabantayan ang lagay ng panahon, upang mas mapaigting ang disaster preparedness at response.
Isa rin sa mga tinitingnan ngayon ng PhilSA ang posibleng aplikasyon din nito sa pagpapaigi ng communication services system ng bansa at makagawa ng communication network na may mas mataas na antas ng seguridad.