Inihayag ni House Prosecutor at Iloilo Representative Lorenz Defensor ang kanyang matinding pagkabahala ukol sa araw-araw na pagkalat ng fake news at misinformation, sa gitna ng umiiral na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Defensor, nakatutok ang panig ng prosecution sa paglalahad ng katotohanan, ngunit nananatiling malaking balakid ang ginagawang pagmamanipula ng mga internet troll upang ilihis ang isip ng taumbayan mula sa mga tunay na ebidensya ng kaso.
Binigyang-diin pa ng solon, na hindi dapat idepende ng publiko ang kanilang opinyon at tiwala sa mga maling impormasyon.
Aniya, ang hamon ng paglaban sa disinformation ay hindi lamang para sa mismong paglilitis kundi para na rin sa pagtataguyod ng katotohanan at hustisya sa bansa.