Inanunsyo ng Land Transportation Office (LTO) ang extension ng bisa ng mga motor vehicle registration, driver’s license, conductor’s license, student permit, at medical certificate na napaso simula July 1, 2026.
Saklaw ito ng inilabas naMemorandum Circular na ipinatupad kasunod ng mga naging isyu kamakailan sa Land Transportation Management System (LTMS).
Ayon sa LTO, walang sisingiling late fees o penalties sa lahat ng renewal na sakop ng extension habang epektibo ang memorandum.
Layon ng hakbang na mabigyan ng sapat na panahon ang mga motorista na maiproseso ang kanilang mga transaksyon nang walang karagdagang bayarin.