Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) kung sino ang nasa likod ng iligal na operasyon ng copper ore na nakuha sa isang abandonadong truck sa Iligan City.
Ito’y kasunod ng magkatuwang na operasyon ng Pambansang Pulisya at ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Timoga, Brgy. Buru-un.
Sinasabing nag-ugat ang operasyon sa sumbong ng mga residente sa lugar hinggil sa hindi pa nakikilalang indibidwal na pilit binubuksan ang likurang bahagi ng sasakyan para ilabas ang karga nito.
Nang magsagawa ng inspeksyon ang mga awtoridad, tumambad sa kanila ang humigit kumulang 500 sako ng hinihinalang copper-bearing mineral ore.
Wala ang driver ng truck nang dumating doon ang mga awtoridad kaya’t bigo rin silang makakuha ng anumang dokumento hinggil sa nilalaman niyon.


