Inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na papalo sa 5.6 hanggang 6.6 porsyento ang inflation sa Hulyo 2026, kasabay ng patuloy na pagtaas ng ilang pangunahing gastusin sa bansa.
Ayon sa BSP, maaaring magmula sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, mas mataas na singil sa kuryente, pagmahal ng isda, at paghina ng piso laban sa mas malakas na US dollar ang nasabing mabilis na inflation para sa nasabing buwan.
Gayunman, inaasahang mababawasan ang epekto nito dahil sa pagbaba ng presyo ng mahahalagang pagkain tulad ng bigas, karne, gulay, at prutas.
Patuloy ding babantayan ng BSP ang mga susunod na datos sa inflation at paglago ng ekonomiya, pati na ang mga kaganapan sa Gitnang Silangan na maaaring makaapekto sa presyo ng mga bilihin.
Noong Hunyo 2026, bumagal ang inflation sa 6.4 porsyento mula sa 6.8 porsyento noong Mayo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).