DA, nagbukas ng reporting center laban sa illegal fishing
Inilunsad ng Department of Agriculture (DA) ang IUU Fishing Reporting Center sa Puerto Princesa City, Palawan.
Layunin nito na hikayatin ang mga mangingisda at residente na mag-ulat ng illegal fishing activities.
Ayon sa DA, umaabot sa ₱5.3 bilyon ang taunang pagkalugi dahil sa illegal fishing.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na mahalagang maprotektahan ang suplay ng isda at kabuhayan ng mga lehitimong mangingisda.
Dagdag ng DA, bahagi ito ng mas pinaigting na kampanya laban sa illegal fishing at para sa pangangalaga ng yamang-dagat.