Abot-kayang bigas ang mabibili na matapos ilunsad ng pamahalaan ang programang “Benteng Bigas Meron Na” sa bayan ng Kitcharao, Agusan del Norte nitong nagdaang Saturday.
Sa ilalim ng programa, nasa 4,000 benepisyaryo ang inaasahang makakabili ng de-kalidad na bigas sa halagang ₱20 kada kilo. Kabilang sa mga prayoridad na makikinabang ang mga magsasaka, mangingisda, indigent families, solo parents, Indigenous Peoples (IPs), Persons with Disabilities (PWDs), at senior citizens.
Ang Benteng Bigas Meron Na ay bahagi ng Kadiwa ng Pangulo, isang programa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipinatutupad sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Department of Agriculture at mga lokal na pamahalaan.
Layunin ng programa na mapagaan ang gastusin ng mga pamilyang Pilipino sa pagbili ng pangunahing pagkain, habang pinalalakas din ang kakayahan ng NFA na makabili ng mas maraming palay mula sa mga lokal na magsasaka. Kaya naman, laking pasasalamat ng mga benepisyaryo sa mas murang bigas.
Patuloy na pinalalawak ng pamahalaan ang implementasyon ng Benteng Bigas Meron Na sa iba’t ibang bahagi ng Caraga upang mas maraming Pilipino ang makabili ng bigas sa abot-kayang presyo, kasabay ng pagsusulong ng food security sa bansa.