Muling itinaas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang BLUE ALERT status sa kanilang Disaster Risk Reduction and Management Operations Center bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Bagyong #LuisPH.
Batay sa memorandum na pirmado ni OCD Deputy Administrator for Operations Asec. Laurence Mina, inaatasan nito ang mga concerned member-agencies at Regional DRRM Councils na patuloy na mag-monitor sa kanilang mga area of responsibility.
Gayundin ang pagsasagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) at tukuyin ang mga posibleng maapektuhan, pangangailangan at available na prepositioned resources.
Inatasan din ang mga ahensya na magsagawa ng kaukulang preparedness measures at regular na magbigay ng updates sa NDRRMOC.
Pinagana na rin ang virtual Emergency Operations Center o EOC upang mapabilis ang koordinasyon ng mga concerned NDRRMC member-agencies at Regional DRRM Councils.