Nag-courtesy call kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Honorable Fujita Fumitake, miyembro ng House of Representatives ng Japan at Co-Representative ng isang partido pulitikal sa Japan na Japan Innovation Party (JIP).
Sa kanilang pagpupulong ay nagpaabot ng pasasalamat si Pangulong Marcos kay Honorable Fumitake sa ginawa nitong pagbisita.
Binigyang-diin din ng Pangulo na higit na lumawak at tumibay pa ang ugnayan ng Pilipinas at Japan habang kinilala din ng Punong Ehekutibo ang Japan bilang mahalagang katuwang ng Pilipinas para umunlad pang lalo ang ekonomiya ng bansa.
Binigyang diin din ng Chief Executive ang patuloy na paglawak ng ugnayang diplomatiko at kooperasyon sa iba pang larangan.
Ang partido ni Fumitake ay napag-alamang kalinya sa mahahalagang prayoridad ng Comprehensive Strategic Partnership ng Pilipinas at Japan partikular sa kooperasyon sa maritime at depensa, pagpapatatag ng supply chain, at pagtataguyod ng isang rules-based Indo-Pacific.