Nakatakdang maghain ng motion for reconsideration ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Supreme Court (SC) matapos ipawalang-bisa ang regulasyon sa mandatory vessel monitoring system ng mga komersiyal na barkong pangisda.
Layunin nito na mapanatili ang paggamit ng sistema bilang pangontra sa illegal, unreported, and unregulated o IUU fishing.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., mahalaga ang vessel monitoring system sa pagmo-monitor ng mga barko at pagpapatupad ng mga panuntunan sa pangingisda.
Idineklara ng Supreme Court na labag sa konstitusyon ang Fisheries Administrative Order No. 266, na nag-aatas ng installation ng monitoring system at electronic catch reporting.
Iginiit ng BFAR na ang sistema ay isang mahalagang tool laban sa IUU fishing at sa pangangalaga ng yamang-dagat.