Nagtala ang Bureau of Customs (BOC) ng pinakamataas nitong buwanang koleksyon at pinakamataas na kita para sa Enero hanggang Hulyo sa kasaysayan ng ahensya ayon sa paunang datos.
Sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Ariel Nepomuceno, umabot sa ₱95.848 bilyon ang nakolekta ng BOC noong Hulyo 2026 — mas mataas ng ₱4.322 bilyon o 4.7 porsyento sa target na ₱91.526 bilyon, at 12.5 porsyentong mas mataas kumpara sa Hulyo 2025.
Dahil dito, umabot na sa ₱587.711 bilyon ang kabuuang koleksyon ng BOC mula Enero hanggang Hulyo
Ayon sa BOC, bunga ito ng pinaigting na customs procedures, mas mahigpit na border protection, digital transformation, at mas malapit na pakikipagtulungan sa mga stakeholder.
Nagpasalamat si Commissioner Nepomuceno sa lahat ng kawani ng BOC at sinabi niyang patunay ang makasaysayang koleksyon sa tagumpay ng mga reporma ng ahensya.
Aniya, bawat pisong nakokolekta ng BOC ay nagsisilbing pondo para sa mga programa at proyektong makikinabang ang mga Pilipino at sumusuporta sa layunin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang ekonomiya at mapabuti ang serbisyo publiko.