Target ng Deparment of Energy (DOE) na umabot sa 50% ang target na electric vehicle usage sa bansa pagdating ng taong 2040.
Ayon sa DOE, nag-iisip na ng programa ang kanilang kagawaran upang marami pang mga kababayan natin ang lumipat na sa paggamit ng EV sa bansa.
Kabilang sa mga inisiyatiba ng ating pamahalaan ay ang pagpapababa ng taripa sa pag-angkat ng mga EV, maging ang mga piyesa nito upang mas bumaba ang presyo nito sa merkado.
Bukod sa presyo ay hangad din ng kagawaran na mas maparami pa ang mga power station o charging stations upang mas mapahaba pa ang biyahe ng mga naturang sasakyan at hindi maging limitado lamang sa iilang lugar.
Muli namang siniguro ng Energy Department na maisagawa ang mga nasabing plano sa darating na 2040.