Upang mas mapabuti pa ang supply ng kuryente sa ibat-ibang panig ng bansa, inatasan na ni Energy Secretary Sharon Garin ang National Electrification Administration o NEA na bumuo ng task force para sa pagsasaayos ng serbisyo ng bawat electric cooperative sa bansa.
Sa isang zoom press conference sinabi nito na kanyang pinabubuo ng panibagong task force ang ahensya upang imonitorcang pagpapalakas ng serbisyo ng bawat electric cooperative sa ibat-ibang panig ng bansa.
Dagdag pa ng kalihim layunin ndin ng task force ay upang aralin rin ang maayos at patas na singil ng kuryente sa bawat electic cooperative.
Umaasa naman si Sec. Garin na magagampanan ng task force ang kanilang tungkulin na mas mapaganda pa ang serbsiyo ng bawat EC’s sa bansa. | ulat ni Aj Ignacio