Nakatanggap ng tig lilimang libong pisong cash incentive ang nga nakatapos ng kolehiyo sa University of Makati.
Sa pangunguna ni Mayor Nancy Binay naiabot ng pamahalaang lungsod ang paunang tulong sa mga estudyante na magsisimula na maghanap ng trabaho.
Ito ang unang beses na nagkaroon ng ganitong programa ang LGU ng Makati para sa mga graduates.
Layunin naman ng programang na makatulong sa mga bagong graduate sa kanilang paghahanda sa paghahanap ng trabaho at sa kanilang susunod na hakbang pagkatapos ng graduation.
Kabilang ang mga gastusin para sa mga dokumento, clearance, requirements, professional examinations, transportasyon, at iba pang pangangailangan. | ulat ni Louisa Erispe