Nagtipon ang iba’t-ibang grupo ng mga manggagawa sa harap ng Pasig Regional Trial Court upang tutulan ang Temporary Restraining Order (TRO) na nagpahinto sa ipatutupad sanang P85 minimum wage increase sa National Capital Region.
Sa kanilang kilos-protesta, iginiit ng mga manggagawa ang panawagang, “dagdag-sahod namin, ’wag agawin,” bilang pagtutol sa inilabas na TRO ng Pasig RTC Branch 252.
Ayon sa mga nagprotesta, nangangamba silang ang naturang desisyon ay makaapekto rin sa mga nakabinbing petisyon para sa wage increase sa iba pang regional wage boards.
Nabatid na ngayong araw nakatakdang dinggin ng Pasig RTC ang aplikasyon para sa writ of preliminary injunction.
Samantala, naghain din ang grupo ng mga manggagawa sa Pasig RTC Branch 152 ng Urgent Motion for Leave to Intervene and Motion to Lift/Dissolve the TRO/Status Quo Order upang maalis ang TRO na humarang sa ipatutupad na dagdag sweldo. | ulat ni Diane Lear