Mayroon nang 1,586 pamilya o katumbas ng higit 4,000 indibidwal ang naitala ng Department of Social Welfare and Development na apektado ng bagyong Luis.
Ayon sa DSWD, kabilang sa apektado ngayon ang Bicol region at Zamboanga Peninsula.
Mula sa bilang na ito, nasa higit 1,200 pamilya o 3,682 na indibidwal ang nananatili sa evacuation centers.
Nakapagpaabot na rin ang DSWD ng higit isang milyong paunang tulong sa mga apektado ng bagyo.
Una nang tiniyak ng DSWD na may nakapreposisyon na itong halos 5 milyong Family Food Packs (FFPs) na handang iaugment sa mga apektado ng bagyo.