Mas mapapadali na ang paglalagay ng rooftop solar panels at battery storage para sa sariling konsumo ng mga pamilya at negosyo oras na maaprubahan ang House Bill 10431 o Sariling Kuryente Act.
Layunin ng panukala na inihain nina House Majority Leader Sandro Marcos at House Speaker Faustino Dy III na alisin ang mga permit at rekisito na para lamang sa mga commercial power producer, para sa mga sistemang ginagamit lamang sa sariling pagkonsumo ng kuryente.
Ibig sabihin, mas madali at abot-kaya na ang paglikha at pag-iimbak ng sariling kuryente ng mga end-user na hindi nagbebenta ng kuryente sa grid.
Sa ilalim ng panukala, ang mga non-exporting solar at battery systems ay hindi na kakailanganin ng certificate of compliance o paunang pahintulot mula sa Energy Regulatory Commission, at hindi na rin maaaring pagbayarin o pagpasa-pasahan ng distribution utilities ng dagdag na requirements.
Mananatili namang saklaw ng umiiral na interconnection rules ang mga sistemang maaaring magbenta o magbalik ng kuryente sa grid.
Gayunman, ang mga sistemang maaaring mag-export ng kuryente sa distribution grid ay mananatiling saklaw ng umiiral na interconnection rules, ngunit dapat maaprubahan ng utility ang kanilang application sa loob ng 10 working days.