Mahigpit nang binabantayan ng Department of Agriculture (DA) ang posibleng epekto ng Bagyong Luis sa sektor ng pagsasaka.
Batay sa pinakahuling pagtaya ng DA, maaaring maapektuhan ng bagyo ang nasa kalahating milyong ektarya ng standing crops kung saan mayorya ay mga sakahan ng palay.
Sa kabuuang bilang, 444,926 ektarya ay mga taniman ng palay habang 102,602 ektarya naman ang mais.
Sa mga palayan, nasa 19% ang nasa seedling stage, 73% ang nasa vegetative stage, 6% ang nasa reproductive stage, at 2% ang nasa maturity stage.
Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang DA sa Regional Field Offices at iba pang concerned agencies upang matukoy ang mga lugar na posibleng maapektuhan at mapaghandaan ang kinakailangang intervention.