Siniguro ng Administrasyong Marcos ang isang mapayapa at patas na proseso ng halalan para sa nakatakdang BARMM Parliamentary Elections sa darating na September 14.
Sa Facebook post ng Office of the Special Assistant to the President ay inihayag nitong may mga inilatag nang guidlines para magarantiya ang proseso ng gagawing halalan.
Kabilang na aniya dito ang Completion of Official Ballots na nagawa na ng Commission on Elections (COMELEC) kung saan ay nasa 2,393,202 na ang naiimprenta sa National Printing Office.
Kumikilos na din aniya ang Task Force Kontra Bigay sub-committee na aktibong nagsasagawa ng monitoring field operations upang mapigilan ang vote-buying, vote-selling, at illegal coercion lalot nagsimula na ang kampanya nitong Biyernes, July 30, 2026
Kasama din sa itinakdang guidelines ang pag-iwas sa paggamit ng non-biodegradable campaign materials at pag-iwas sa late-night campaigning.