Senate of the Philippines
Tumangging maghain ng plea sa Sandiganbayan 1st Division si Sen. Rodante Marcoleta kaugnay ng kinahaharap nilang kasong paglabag sa Presidential Decree no. 46 (PD46).
Ito ay matapos na humiling ang kanyang legal counsel sa korte dahil sa umano’y pending na petisyon ng kanilang kampo sa Korte Suprema.
Dahil dito, ang korte na mismo ang naghain ng ‘not guilty’ plea para kay Marcoleta.
Naghain naman ng “not guilty” plea ang kanyang kapwa akusadong si Aristotle Viray.
Nag-ugat ang kaso sa umano’y ₱75 milyong donasyon na tinanggap ni Marcoleta noong kumandidato siya sa pagka-senador.
Kaugnay nito, itinakda ang preliminary conference para sa kaso sa August 11-12 habang ang pre-trial ay nakaiskedyul sa September 7.