Naniniwala si Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez na ang legasiya ay nagagawa sa pinakamahirap na yugto ng isang pamumuno ng isang lider gaya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa panayam, sinabi ni Gomez na hindi naman lingid ang sunod-sunod na hamon at hadlang na hinarap ng Administrasyon subalit hindi aniya nagpatinag dito ang Pangulo.
Sa kabila ani Gomez ng napakaraming balakid at ingay sa pulitika na magpapadiskaril sana sa pokus ng Punong Ehekutibo ay nananatili aniyang matatag ang Pangulo sa pagtupad ng responsibilidad nito.
Naging single focus aniya ang Presidente at hindi bumitiw sa agenda nitong pag-igihin o pagbutihin ang kabuhayan ng nakararaming Pilipino.
Kung iko-quote aniya ang Pangulo, sinabi aniya nito na maaaring mabagsik ang paghusga ng mga tao sa kasalukuyan, ngunit sa huli ay mas magiging patas ang pagtingin ng kasaysayan sa kanyang ginawa para sa bayan.