Photo courtesy of Senate Public Relations and Information Bureau
Naghain si Senadora Imee Marcos ng resolusyon na layong magkasa ng senate inquiry para suriin ang pangmatagalang epekto ng iminungkahing Pax Silica Project sa New Clark City, Capas, Tarlac.
Sa senate resolution 547 ng senadora, layong mapalakas ang umiiral na mga batas at regulasyon para mapangalagaan ang seguridad sa suplay ng tubig, kuryente at pagkain, at maisulong ang pangmatagalang pangangalaga sa kapaligiran sa lugar na pagtatayuan ng proyekto.
Una nang nanawagan si Senadora Imee sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na unahin munang ipaliwanag sa mga residente ang magiging epekto ng kontrobersyal na Pax Silica Project bago isagawa ang anumang pagsukat ng lupa o land acquisition. | ulat ni Nimfa Asuncion