₱40 milyon halaga ng smuggled na paputok mula China, naharang ng Bureau of Customs
Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang ₱40 milyon halaga ng smuggled na paputok mula China.
Ito ay matapos makatanggap ng sumbong at mapatunayan sa isinagawang physical examination ng BOC.
Ang unang shipment ay dineklarang shelves at ang pangalawa naman ay ceramic cups. Ngunit nang buksan ang mga container, napag-alamang naglalaman pala ang mga ito ng fireworks at firecrackers.
Nagbabala naman si Commissioner Ariel F. Nepomuceno na mahuhuli at mauubos lamang ang puhunan ng mga sangkot, kaya’t huwag nang mag-smuggle ng mga produkto.