Naglabas ang Mines and Geosciences Bureau o MGB ng Rain-Induced Landslide and Flooding Advisory para sa Ilocos Region, kasunod ng 72-hour rainfall forecast ng DOST-PAGASA. Saklaw ng babala ang 2,834 barangay sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan.
Ang advisory ay inilabas alas-8 ng umaga ngayong Agosto 3, 2026, at may bisa hanggang alas-8 ng umaga ng Agosto 6, 2026.
Batay sa datos ng MGB, sa landslide susceptibility, may 58 very high o high at 90 moderate na barangay sa Ilocos Norte; 269 very high o high at 319 moderate sa Ilocos Sur; 39 very high o high at 313 moderate sa La Union; at 149 very high o high at 246 moderate sa Pangasinan.
Samantala, sa flooding susceptibility, may 107 very high, 194 high, at 177 moderate na barangay sa Ilocos Norte; 260, 576, at 520 sa Ilocos Sur; 23, 428, at 393 sa La Union; at 429 very high, 1,162 high, at 1,045 moderate sa Pangasinan.
Pinapayuhan ng MGB ang mga residente sa mga apektadong lugar, kabilang ang mga kalapit at downstream communities, na manatiling mapagmatiyag, sundin ang mga opisyal na abiso, at gamitin ang inilabas na QR code upang malaman kung kabilang ang kanilang barangay sa listahan ng mga lugar na may banta ng landslide at pagbaha.