Isang special joint price at supply monitoring ang nakatakdang ikasa ngayong araw ng Department of Agriculture (DA), katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan.
Pangungunahan ang monitoring nina DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., DTI Secretary Cristina Roque, DA Assistant Secretary Genevieve Guevarra, Food Terminal Inc. (FTI) President and CEO Joseph Lo.
Isasagawa ang inspeksyon sa isang palengke sa Las Piñas City.
Bukod sa presyo ng bigas, susuriin din ang presyo at suplay ng iba pang pangunahing bilihin gaya ng karne, gulay, at isda upang matiyak na sapat ang suplay at naaayon sa itinakdang presyo.