Nakatutok na ang Department of Social Welfare and Development sa paghahatid ng tulong sa mga pamilyang nasalanta ng bagyong Luis.
Ayon sa DSWD, nakapaghatid na ito ng paunang ₱1.1-million humanitarian assistance sa mga naapektuhang komunidad.
Pangunahin dito ang family food packs at ready to eat foods sa mga nastranded at mga nananatili sa evacuation centers.
Sa pinakahuling tala naman ng DSWD, sumampa pa sa higit 9,000 residente sa Regions 2, 3, 5 at 9 ang apektado ng bagyong Luis.
Sa bilang na ito, nasa 1,212 pamilya o katumbas ng higit 3,000 indibidwal ang nananatili sa evacuation centers.
Tiniyak naman ng DSWD na available ang nasa ₱6-billion halaga ng relief resources nito para umayuda sa mga nasalantang komunidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa