📷 Bongbong Marcos FB
𝗔𝗹𝗲𝘅 𝗘𝗮𝗹𝗮 does it again.
Ito ang bungad na pagbati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng panibago na namang tagumpay na nakuha ni Pinay tennis sensation Alex Eala matapos manalo sa Women’s Tennis Association singles kung saan ay tinalo nito si Jessica Pegula ng Estados Unidos.
Sinabi ng Pangulo na kanyang binabati si Eala sa panibagong makasaysayang tagumpay habang pinatutunayan nito kung ano ang kayang marating ng Pilipinas sa larangan ng tennis.
Patuloy din aniyang nagbibigay-inspirasyon si Eala sa napakaraming kabataang Pilipino na mangarap nang walang hangganan.
K𝙖𝙨𝙖𝙢𝙖 aniya ng Pinay tennis superstar 𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙢𝙗𝙖𝙮𝙖𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙤 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙙𝙞𝙧𝙞𝙬𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙣𝙞𝙗𝙖𝙜𝙤𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙜𝙪𝙢𝙥𝙖𝙮 𝙣ito kung saan ay lumikha ito ng kasaysayan bilang kauna- unahang manlalaro sa Pilipinas na makakuha ng WTA championship.