Flood control ng DPWH sa Taft, Maynila, epektibo at nasubukan kasabay ng patuloy na pag-ulan
Sa kabila ng tuloy-tuloy na pag-ulan, hindi binaha ang ilang bahagi ng Taft Avenue sa Maynila.
Kung dati ay gutter-deep na agad ang baha kapag may ganitong kalakas na pag-ulan, ngayon ay hindi na ganoon ang sitwasyon kasunod ng ginawang flood control ng DPWH at suporta ng Manila LGU.
Bago sumapit ang tag-ulan, puspusan ang DPWH sa pagkumpleto ng mas malaking drainage system mula UN Avenue hanggang Ayala Boulevard sa Taft.
Ito ay bilang tugon sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking maayos at mapapakinabangan ng publiko ang mga flood control project ng pamahalaan.