Itinuturing ng Department of Agriculture (DA) na malaking tulong ang rekord na ani ng palay sa ikalawang quarter para makapaghanda ang ahensya sa epekto ng El Niño.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., nakatuon ang ahensya sa maagap na paghahanda upang maprotektahan ang suplay ng pagkain at kita ng mga magsasaka.
Batay sa Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa 4.63 milyong metric tons ang palay production mula Abril hanggang Hunyo, pinakamataas na second-quarter harvest mula 1987.
Dahil dito, may mas malaking pagkakataon ang pamahalaan na palakasin ang rice buffer stocks at suportahan ang lokal na produksyon.
Gayunman, patuloy na mino-monitor ng DA ang epekto ng El Niño at nagbibigay ng suporta tulad ng binhi, irigasyon, insurance, at iba pang tulong sa mga magsasaka.
Sinabi pa ng Kalihim, na gagamitin ang magandang ani bilang pundasyon upang mapanatili ang suplay ng bigas at kahandaan sa susunod na anihan.