Pinayuhan ng National Electrification Administration (NEA) ang mga electric cooperative (EC) na manatiling alerto at magsagawa ng mga kinakailangang hakbang sa kanilang power distribution operations bilang paghahanda sa banta ng Tropical Storm Maymay.
Partikular na pinaalalahan ang mga EC sa mga lugar na nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 at 2.
Hinimok ng NEA Disaster Risk Reduction and Management Department (DRRMD) ang mga electric cooperative na magsagawa ng kaukulang paghahanda at patuloy na subaybayan ang lagay ng panahon para matiyak ang kaligtasan at maayos na operasyon ng kanilang mga pasilidad at power distribution system.