Nakipagpulong si Cabinet Secretary Benhur Abalos sa iba’t ibang business organization, at nangako na magtutulungan, upang palakasin ang implementasyon ng East of Doing Business sa Pilipinas.
Bilang suporta ito sa isinusulong ng Marcos administration na mas pinabilis at business-friendly environment sa bansa.
Sa pulong, ipinabot ng business delegation ang kanilang concern, at inilatag ang proposal na layong pagbutihin pa ang government process, mapadali ang pagpasok ng pamumuhunan sa bansa, at mapaigting ang kooperasyon sa pagitan ng public at private sector.
Siniguro ni Abalos na ang Office of the Cabinet Secretary (OCS) ay bukas sa mga suhestyong ito, para sa ikagaganda pa ng pagkilos ng pamahalaan.
“Ang sabi ng Pangulo, we are opening Malacañang. The doors are open for everyone,” Abalos said.
Binigyang-diin din ng kalihim ang kahalagahan ng praktikal at napapanahong solusyon, upang mabalanse ang pag-unlad, environmental protection, at kapakanan ng publiko, sa paggawa ng desisyon ng gobyerno.
Ilan sa mga dumalo sa pulong ay mga kinatawan mula sa Philippine Chamber of Commerce and Industry, Philippine Exporters Confederation, Inc.; Philippine Stock Exchange Council of Leaders; Employers Confederation of the Philippines; International Chamber of Commerce Philippines; Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry; Ease of Doing Business Philippines Foundation; Buklod Bayani Coalition; Women’s Business Council Philippines; at Philippine Association of Legitimate Service Contractors.