Naniniwala ang Commission on Elections na nasa kamay na ng kongreso at executive department ang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, sa ngayon ay wala pang malinaw na desisyon kung ipagpapaliban ang nasabing eleksyon pero trabaho aniya ng komisyon na sundin laman ang magiging desisyon kung magkakaroon ng panibagong batas.
Pero una namg sinabi ng COMELEC na base sa batas, ang eleksyon para sa BSKE ay sa November 2, 2026.
Pero kung ipatatawag man ang comelec handa silang lumahok at sabihin na kaya nilang isagawa ang BSKE ngayong taon pero discretion pa rin ito ng kongreso. | ulat ni DK Zarate