Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng inflation at ng nagkakaisang panawagan ng Senado, nanawagan si Senate President Sherwin Gatchalian na agad nang maipatupad ang ₱85 na dagdag sa minimum wage sa National Capital Region.
Ayon kay Gatchalian, umabot sa 6.2% ang inflation rate noong July, na pangunahing dulot ng pagtaas ng presyo ng langis at kuryente.
Aniya, lalo nitong pinapababa ang kakayahan ng mga manggagawa na tustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan habang naaantala ang pagpapatupad ng wage increase.
Una nang pinagtibay ng Senado ang isang Senate Resolution, na nagpapahayag ng nagkakaisang posisyon ng kapulungan na suportahan ang mga panawagang agad alisin ang TRO laban sa Wage Order No. NCR-27 at hinihikayat ang judicial restraint sa mga usaping may kaugnayan sa wage-setting.
Dagdag pa ng Senate president, kung naipasa noon ang mas mataas na wage hike sa panahong mas mababa ang presyo ng langis at wala pang tensyon dulot ng digmaan sa Iran, mas nararapat lamang aniyang maipatupad ito ngayon para makatulong sa mga manggagawang apektado ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.