Aabot sa ₱3.53 milyon ang inisyal na halaga ng pinsala at pagkalugi sa mga pananim na naitala ng Department of Agriculture (DA) dahil sa epekto ng Bagyong Luis, Maymay at pinalakas na Habagat.
Nagmula ito sa ulat ng DA Field Offices sa Central Luzon at Western Visayas, kung saan tinatayang 362 ektarya ng agricultural areas ang napinsala, habang nasa 146 metric tons ang tinatayang production losses.
Batay sa initial assessment ng DA-DRRM, nasa 254 ding magsasaka ang apektado ng sama ng panahon.
Inaasahan ng DA na tataas pa ang halaga ng pinsala dahil nagpapatuloy pa ang assessment at validation sa mga apektadong lugar.
Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang DA sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya habang mino-monitor ang epekto ng bagyo sa sektor ng agrikultura at galaw ng presyo ng mga produktong agrikultural.