Giniit ni Senador Ping Lacson na ang pag-recant ng ilan sa 18 “Maleta Boys” sa kanilang mga alegasyon tungkol sa paghahatid ng pera gamit ang mga maleta sa ilang personalidad ay nagdulot ng mas marami pang tanong.
Binigyang diin ni Lacson na napakarami nang pabago-bagong pahayag ang “Maleta Boys” sa iba’t-ibang fora at venues kaya hindi na alam ng publiko kung alin sa kanilang mga alegasyon ang dapat paniwalaan.
Nais ring malaman ng senador kung ang apat na nag recant ay bahagi ng walong napaulat na nagsumite ng kanilang sworn affidavit sa office of the Ombudsman.
Higit sa lahat, iginiit ni Lacson na dapat tukuyin ng mga otoridad ang mga nasa likod ng “Maleta Boys” at ng kalituhang kanilang nilikha nitong mga nakaraang buwan.
Aniya, kailangang tugisin at papanagutin sa batas ang mga nasa likod ng gulo at confusion na nilikha nila. | ulat ni Nimfa Asuncion