Kinumpirma ng Office of the Senate Secretary na nakatanggap ito ng abiso mula sa tanggapan ni Senadora Loren Legarda na siya ay naka-medical leave mula August 3 to 5, 2026.
Ayon kay Senate Secretary Renato Bantug Jr., noong August 3 ay nagpadala ng liham ang Chief of Staff ni Legarda para ipaalam ang kanyang medical leave.
Samantala, sinabi naman ni Senate President Sherwin Gatchalian na wala siyang impormasyon kaugnay ng pagpunta ni Legarda sa ibang bansa.
Ayon kay Gatchalian, hindi pa nila napag-uusapan ang naturang biyahe at ipinaliwanag niyang hindi naman kailangan ng travel authority mula sa Senado kung personal ang layunin ng byahe ng isang senador.
Lumabas ang mga pahayag kasunod ng sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na umalis ng bansa nitong august 2 si Batangas Representative Leandro Leviste kasama ang kanyang ina na si Senadora Loren Legarda.
Ayon sa NBI, hindi rin tumugon si Leviste sa ipinadala nilang subpoena kaugnay ng ginagawa nilang imbestigasyon. | ulat ni Nimfa Asuncion