Photo courtesy of National Commission on Indigenous Peoples
Nakipagdayalogo ang National Commission on Indigenous Peoples sa mga Aeta Hungey sa Sitio Binyayan, Capas, Tarlac, kaugnay ng ipinanukalang Pax Silica Project.
Personal na nagtungo sa komunidad si NCIP Chairperson Nancy Catamco, kasama si Commissioner for Region III and Rest of Luzon Atty. Rhodex Valenciano.
Layunin ng pagbisita na pakinggan ang mga hinaing ng mga katutubo sa posibleng epekto ng proyekto.
Kabilang sa kanilang concerns ang tirahan, kabuhayan, at ancestral domain claim.
Dumalo rin sa dayalogo ang mga lokal na opisyal, IP mandatory representatives, at mga lider ng komunidad.
Tiniyak ng NCIP na ipaaabot sa Bases Conversion and Development Authority ang mga concerns ng mga Aeta Hungey. Patuloy ding susubaybayan ng komisyon ang proyekto upang mapangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga katutubo.