Photo courtesy of Marcy Teodoro Volunteers FB
Nanawagan si Marikina City 1st District Reresentative Marcy Teodoro na mai-commission nang maayos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Tumana Pumping Station.
Ito ay matapos na tatlong taon na umano na makumpleto ang proyekto pero hindi napakikinabanggan at hindi pa pormal na naitu-turnover sa Pamahalaang Lungsod ng Marikina.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas kay Teodoro, sinabi ni Teodoro na sinubukan paandarin ng contractor ang naturang pumping station para makatulong sa pagbaha pero ito ay nag-automatic shut off ang floodgate na naging dahilan ng pag-apaw ng creek sa pagitan ng Barangay Malanday at Barangay Tumana.
Sinabi ni Teodoro na imbes na makatulong ang nasabi pumping station ay nakaperwisyo pa.
Ayon kay Teodoro, dapat matugunan na ng DPWH with urgency itong problema sa nasabing pumping station.
Sa kabila naman nito ay malakaing bahagi ng Marikina ang hingi binabaha dahil sa patuloy na dredging operations sa Marikina River na nagpalalim sa water capacity ng ilog. Samantala sa lagay ng panahon ay tumigil na yung biglang buhos ng ulan pero kapansin-pansin nandito tayo sa Sto. Niño Bridge na mataaas pa rin yung antas ng tubig sa Marikina River na nasa 16.3 meters.