Kanselado ang Impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong araw matapos ipag-utos ni Senate President Sherwin Gatchalian ang Work from Home arrangement sa mataas na kapulungan.
Sa advisory na inilabas ni Senate Secretary Renato Bantug Jr., inansyong pinayagan ni SP Gatchalian ang lahat ng opisyal at empleyado ng Senado na mag-work from home ngayong Lunes, August 10, dahil sa inaasahang malakas na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat.
Dahil dito, hindi matutuloy ang impeachment trial na nakatakda sanang magsimula ng alas diyes ng umaga.
Kanselado rin ang plenary session ng senado, na nakatakda ng alas kwatro ng hapon.
Ipagpapatuloy naman ang mga ito bukas, Martes, August 11. | ulat ni Nimfa Asuncion