Buong lugod na tinanggap ni Dating Kalihim ng Department of Health, Dr. Esperanza Cabral ang pagkakatalaga kay PhilHealth President at ngayon ay Kalihim na ng Kagawaran ng Kalusugan, Dr. Edwin Mercado.
Ito ang naging pahayag ng dating kalihim sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service.
Aniya, handa din siyang tumulong kasama pa ng iba pang dating kalihim ng DOH kay Dr. Mercado kung kakailanganin ito ng huli.
Sa nasabing panayam, pinunto ni Cabral ang kahalagahan ng pagbibigay ng access sa dekalidad na serbisyong pangkalusugan na dapat palakasin at palawakin para sa taong bayan.
Dagdag pa nito, na dapat palakasin din ang programang “Doctors to the Baryos” sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas magandang insentibo sa mga professional doctors maging sa mga medical students na nais maglingkod sa bayan.