Inanunsyo ng DOST-PAGASA na bumaba na sa below overflow level ang tubig sa La Mesa Dam.
Batay sa ulat, naitala sa 79.99 metro ang water level ng dam alas-5:00 ng hapon, na mas mababa sa 80.15 metrong overflow elevation nito.
Sa kabila nito, pinapayuhan pa rin ang mga residenteng nakatira sa mababang lugar malapit sa Tullahan River na magsagawa ng kinakailangang pag-iingat.
Kabilang sa mga posibleng maapektuhan ang ilang lugar sa Quezon City, Caloocan, Valenzuela, Malabon, at Navotas.
Patuloy namang imo-monitor ng PAGASA ang kondisyon ng La Mesa Dam at maglalabas ng mga kaukulang update para sa mga concerned agency at lokal na pamahalaan.