Photo courtesy of Senate of the Philippines
Pinalawig pa ang medical leave ni Senadora Loren Legarda, ayon kay Senate Secretary Atty. Renato Bantug Jr.
Sa mensahe ni Secretary Bantug sa Radyo Pilipinas, kinumpirma niyang ipinaalam ng tanggapan ni Legarda na mananatili sa medical leave ang senadora mula August 11 (ngayong araw) hanggang August 12, 2026.
Ayon kay Bantug, ngayong araw ay lumiham sa kanya ang tanggapan ni Legarda upang ipaalam ang pagpapalawig ng medical leave ng senadora.
Una nang kinumpirma ni Legarda na naghain siya ng pormal na medical leave sa Senado para sa August 3 hanggang 5, 2026, alinsunod sa mga panuntunan ng Senado.
Hiniling din ng senadora sa publiko na huwag gumawa ng “unwarranted conclusions” o mga walang batayang konklusyon kaugnay ng kanyang medical leave at pagbiyahe sa ibang bansa. Nauna nang sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI) na bumiyahe palabas ng bansa si Legarda kasama ang kanyang anak na si Batangas Representative Leandro Leviste.