Pormal nang natanggap ng Senado ang kopya ng ₱7.2-trillion 2027 National Expenditure Program (NEP) ngayong araw, August 11.
Pinangunahan ni Acting Budget Secretary Kim Robert De Leon ang turnover kina Senate President Sherwin Gatchalian, Senate Finance Committee Chairman Senador JV Ejercito at Majority Leader Senador Juan Miguel Zubiri.
Present rin sa turn over si PLLO Secretary Joey Salceda.
Sa ilalim ng 2027 NEP, nangunguna sa prayoridad ang social services na may ₱2.456 trillion, kabilang ang malaking pondo para sa edukasyon, kalusugan, social protection, food security, imprastraktura, trabaho, digitalization, at disaster resilience.
₱976 billion naman ang inilaan para sa Department of Education, na nananatiling may pinakamalaking alokasyon sa mga ahensiya ng pamahalaan.
Sa pag transmit ng 2027 proposed budget, sinabi ni senate president sherwin gatchalian na ito na ang opisiyal na simula ng budget season sa Kongreso.
Sa senado, magsisimula aniya ang committee hearings para sa panukalang 2027 national budget sa August 27 sa pamamagitan ng budget briefing ng Development Budget Coordinatiom Committee (DBCC).
Ayon kay gatchalian, posibleng gawin tuwing huwebes at biyernes lang ang mga committee hearings at nakakuha na rin sila ng mga kwarto sa PICC para pagdausan ng mga pagdinig dahil nagpapatuloy pa rin ang impeachment trial ni vice president sara duterte na ginagawa rin sa senado. | ulat ni Nimfa Asuncion