Nakiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga nawalan ng mahal sa buhay, at sa mga naapektuhan ng pagtama ng 7.4 magnitude na lindol sa Columbia.
Ayon sa pangulo, batid ng mga Pilipino ang hirap at sakit na dulot ng sakunang ito.
Kabilang aniya ang Pilipinas sa mga bansang nasa Pacific Ring of Fire, kaya’t batid nito bigat at hamon na dala ng pagtama ng malakas na lindol.
Sabi ni Pangulong Marcos, nakatidig ang Pilipinas, kasama ng Colombia sa pagbangon, muling pagtatayo ng mga komunidad, at pagpapanumbalik ng kabuhayan ng mga naapektuhan.
“Our thoughts are with all those affected.” —Pangulong Marcos Jr.