Suspendido ngayong Agosto ang pagbabayad ng amortisasyon ng mga residential account holder ng National Housing Authority sa mga lugar na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at Habagat.
Kabilang sa mga sakop ang National Capital Region, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Benguet, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, at Oriental Mindoro.
Sa ilalim ng moratorium, pansamantalang hindi muna kailangang magbayad ng amortisasyon ang mga kwalipikadong account holder ngayong buwan.
Wala ring ipapataw na karagdagang interes o penalty sa panahon ng suspensyon.
Layunin ng hakbang na mabigyan ng dagdag na ginhawa ang mga pamilyang naapektuhan ng bagyo at Habagat at magkaroon sila ng panahon upang makabangon mula sa epekto ng kalamidad.
Muling ipagpapatuloy ang regular na pagbabayad at paniningil ng amortisasyon sa September 1, 2026.