Sisilipin ngayon ng Office of the Ombudsman ang inilaang 60 billion pesos na ponding ibinuhos sa mga flood control project sa Cebu sa nakalipas na anim na taon bunsod ng patuloy pa ring matinding pagbaha sa probinsya.
Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, nakapagtataka na kahit pa napakalaki ng pondong inilaan sa flood control projects sa probinsya ay hindi pa rin nasolusyunan ang mga pagbaha na patuloy na nararamdaman hanggang sa ngayon.
Ani Remulla mahalagang malaman ngayon kung ano nga ba ang naging mali sa mga proyekto kung may kurapsiyon nga bang nangyari kaya hindi naipatupad ng maayos ang mga proyekto.
Isa umano sa mga pangunahing dahilan ng kanyang pagbisita sa Cebu ay upang tignan kung may katotohanan ang mga natanggap nilang ulat na may iregularidad sa paggasta ng pondo para sa flood control project sa probinsya. | via Eph Gaytos