Screenshot
Pinalawig ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Red Alert status sa Visayas Grid mula alas-3 ng hapon hanggang alas-9 ng mamayang gabi.
Ayon sa NGCP, nasa 2,191 megawatts lamang ang available capacity ng Visayas Grid, habang naitala sa 2,420 megawatts ang peak demand.
Samantala, nasa 28 power plant ang kasalukuyang naka-forced outage, habang 14 na iba pa ang tumatakbo sa derated capacities, na nagresulta sa kabuuang 932.4 megawatts na hindi magamit ng grid.
Kabilang sa mga dahilan ng pagpapalawig ng Red Alert ang unavailability ng malalaking coal plant sa Visayas, limitadong power import mula sa Mindanao, at ang pagtaas ng demand forecast. | ulat ni Diane Lear