Marami pa ring paaralan ang ginagamit bilang evacuation centers sa panahon ng sakuna. Pahayag ito ni Communications Usec. Claire Casto, kasunod ng epekto sa bansa ng TS Luis, Bagyong Maymay, at Habagat.
Base sa datos ng Office of Civil Defense (OCD) at Department of Education (DepEd), nasa 299 na paaralan sa Metro Manila, Ilocos Region, Central Luzon, CAR, MIMAROPA, CALABARZON, at Central Visayas, ang ginawang evacuation center.
Ayon kay Castro, gumugulong na ang Ligtas Pinoy Act, o ang batas para sa konstruksyon ng mga permanente, ligtas, at fully equipped evacuation facilities sa bawat siyudad at munisipalidad sa buong bansa.
Aniya, nasa 16 na karagdagang evacuation centers na ipagagawa ngayong 2026, habang karagdagang 32 sa taong 2027.
“So iyan po ang proposal so far ng DPWH at ang ma-target po ay magkaroon tayo ng evacuation centers na mga 210.” -Castro. | ulat ni Racquel Bayan