Patuloy ang pagkilos ng pamahalaan upang makapagbigay ng abot-kayang pagkain sa mga mamamayan.
Katunayan, sa Pasay City, natuloy pa rin ang pagbubukas ng Kadiwa ng Pangulo ngayong araw at isinagawa ito sa Ground Floor ng Pasay City Hall.
Marami namang Pasayeño ang nakabili at dumayo sa Kadiwa dahil tampok dito ang mga mura at sariwang pagkain.
May mabibili rin ditong mga dekalidad na produkto tulad ng well-milled premium rice, gayundin ang mga pangunahing bilihin tulad ng asukal, gulay, at iba pa.
Ayon naman kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, pagpapakita ito na kaisa ang lokal na pamahalaan sa layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maghatid ng abot-kayang bilihin sa publiko kahit pa sa panahon ng kalamidad.