Binigyang-diin ni MMDA General Manager, Undersecretary Nicolas Torre III na isang whole-of-government approach ang isinasagawa ngayong clearing operations at waste collection sa mga pangunahing daluyan ng tubig partikular sa Baclaran River sa Parañaque.
Kung MMDA lang umano kasi maging ang iba pang lead agencies ang ba-braso sa paglilinis ng mga basura ay hindi naman ito maituturing na sustainable.
Oras na matapos na ang clearing at waste collection ay saka na pagugulungin ang imbestigasyon kung ano ang pinag-uugatan ng hindi maubos-ubos na basura.
Panawagan pa ng MMDA sa mga residente na huwag nang dumagdag pa sa matindi nang problema sa basura at sumunod sa mga alituntunin sa tamang disposal ng basura.